โAng pag kuha kay COLOVE bilang photographer niyo sa kasal ay isa sa pinakamagandang investment na gagawin niyong magasawa sa buhay niyo.โ -kami
Nagpapasalamat kami at COLOVE ang napili namin sa paghuli ng mga bawat sanadali ng aming kasal. Mula sa pre-wedding shoot hanggang sa pag alis ng mga bisita, sinigurado nila na mahuhuli lahat ang mga hubad na emosyon. Magaling pa silang magpatawa sa set kaya halos lahat ng mga larawan namin ni misis naka tawa kami o di kayaโy naka ngiti. Pati mga abay tuwang tuwa sa kanila dahil sa kakwelahan nila sa set.
Nakakatuwa dahil sabi ni misis gusto niya ng piktyur na may isparklers kaming hawak kasi instagramabol daw ito, sinabi ko na lang na wag na lang kasi nagsiuwian na ang mga abay na dapat kasama namin sa sparkler pics, pero si COLOVE pinilit niya pa din na ituloy ang shoot kahit kaming dalawa na lang magasawa. So ayon, parehong routine ang ginawa nila, inutusan nila kaming magtatakbo, magtinginan, tingin sa taas, tingin sa sparklers, tingin sa kanan, mag yakapan, mag tawanan, hawak kamay, bitaw kamay, etcetera. Hehehe... At dahil doon, dahil ininsist ni COLOVE samin at nagbigay pa siya ng konting panahon, doon nabuo ang mga ilan sa larawan na magpapangiti sa amin habang buhay.
God bless sa inyo at mabuhay kayo!